Minsan mo na bang naisip kung ano bang bumubuo sa daigdaig na iyong nilalakaran at tinatapakan? Ang ating mundo ay hindi lamang basta planetang nabuo na lamang sa isang pitik. Ang estruktura ng ating daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang mga ito ay nakatutulong at ilan sa mga dahilan ng ilang pagbabagong pisikal sa ating mundo. Ilan na rito ang paglindol at ang pagsabog ng mga bulkan.
Mahalagang matutunan nating lahat ito upang tayo ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga pagbabago na ating nararanasan sa ating mundo. Sa araling ito, napagtanto ko kung gaano kagaling at kamangha-mangha ang ating Panginoon sapagkat napakaganda at espesyal ng lahat ng bagay na Kaniyang nilikha. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahalagang mapag-aralan ang heograpiya.
No comments:
Post a Comment