Sa mga sinaunang tao ng mga sinaunang kabihasnan,
Ako, na isang mag-aaral mula sa kasalukuyang panahon, ay lubusang nagpapasalamat sa lahat ng inyong naiambag at mga kontribusyon. Malaki ang mga naging pakinabang nito para sa aming lahat. Malaking tulong ang mga naimbento sa panahon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya sa pangaraw-araw naking gawain. Maaaring hindi man ito tulad ng sistema ng pamumuhay niyo noon dahil mas moderno na ngayon, alam kong hindi uunlad ang kasalukuyan kung walang pamana ng nakaraan.
Maraming salamat sa inyo mga sinaunang Dravidian, sa mga malalapad na kalsada na aming nagagamit sa pangaraw-araw na transportasyon lalo na para sa mga nakatira sa malalayong lugar na kailangang pumasok sa paaralan o sa trabaho. Salamat sa mga gusali, bagaman hindi na lahat ng gusali ay parisukat ngayon, malaki pa rin ang naitutulong nito para sa mga trabaho at maging sa ilang mga kabuhayan. Lubusan akong nagpapasalamat sa pagiimbento ng palikuran o sewerage system dahil kami ay nakakapaligo sa tamang lugar, kasali na doon maging ang pagdumi.
Salamat sa agtatanim ng mga bulak, ito ay nagagamit namin bilang panlinis, panlagay ng gamot at maging sa paggawa ng damit. Para sa mga Tsino, ako ay nagpapasalamat sa pagiimbento ninyo ng fireworks o mga paputok dahil hindi nagiging ganoon katahimik ang aming bagong taon at mga piyesta. Ganoon din ang aking pasasalamat sa compass, na nakatutulong sa amin upang hindi maligaw at ngayon, ito ay mas moderno dahil mayroon na ding mga mapa sa aming mga cellphone at ipad.
Kulang pa ang mga ito upang maipahayag ang aking pasasalamat sa inyo. Madami pang mga bagay na inyong sinimulan ang mas napaunlad sa kasalukuyan. Nang dahil dito, makakapaghanda na kami para sa mga mangyayaring pagsubok sa hinaharap.
Lubusang nagpapasalamat,
Ryka.
No comments:
Post a Comment