Minsan mo na bang naisip kung ano bang bumubuo sa daigdaig na iyong nilalakaran at tinatapakan? Ang ating mundo ay hindi lamang basta planetang nabuo na lamang sa isang pitik. Ang estruktura ng ating daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang mga ito ay nakatutulong at ilan sa mga dahilan ng ilang pagbabagong pisikal sa ating mundo. Ilan na rito ang paglindol at ang pagsabog ng mga bulkan.
Mahalagang matutunan nating lahat ito upang tayo ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga pagbabago na ating nararanasan sa ating mundo. Sa araling ito, napagtanto ko kung gaano kagaling at kamangha-mangha ang ating Panginoon sapagkat napakaganda at espesyal ng lahat ng bagay na Kaniyang nilikha. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahalagang mapag-aralan ang heograpiya.
Halina't Lakbayin ang Ating Daigdig
Nais mo bang mas makilala ang daigdig na kinabibilangan mo?
Monday, October 27, 2014
Thursday, September 18, 2014
Liham ng Pasasalamat
Sa mga sinaunang tao ng mga sinaunang kabihasnan,
Ako, na isang mag-aaral mula sa kasalukuyang panahon, ay lubusang nagpapasalamat sa lahat ng inyong naiambag at mga kontribusyon. Malaki ang mga naging pakinabang nito para sa aming lahat. Malaking tulong ang mga naimbento sa panahon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya sa pangaraw-araw naking gawain. Maaaring hindi man ito tulad ng sistema ng pamumuhay niyo noon dahil mas moderno na ngayon, alam kong hindi uunlad ang kasalukuyan kung walang pamana ng nakaraan.
Maraming salamat sa inyo mga sinaunang Dravidian, sa mga malalapad na kalsada na aming nagagamit sa pangaraw-araw na transportasyon lalo na para sa mga nakatira sa malalayong lugar na kailangang pumasok sa paaralan o sa trabaho. Salamat sa mga gusali, bagaman hindi na lahat ng gusali ay parisukat ngayon, malaki pa rin ang naitutulong nito para sa mga trabaho at maging sa ilang mga kabuhayan. Lubusan akong nagpapasalamat sa pagiimbento ng palikuran o sewerage system dahil kami ay nakakapaligo sa tamang lugar, kasali na doon maging ang pagdumi.
Salamat sa agtatanim ng mga bulak, ito ay nagagamit namin bilang panlinis, panlagay ng gamot at maging sa paggawa ng damit. Para sa mga Tsino, ako ay nagpapasalamat sa pagiimbento ninyo ng fireworks o mga paputok dahil hindi nagiging ganoon katahimik ang aming bagong taon at mga piyesta. Ganoon din ang aking pasasalamat sa compass, na nakatutulong sa amin upang hindi maligaw at ngayon, ito ay mas moderno dahil mayroon na ding mga mapa sa aming mga cellphone at ipad.
Kulang pa ang mga ito upang maipahayag ang aking pasasalamat sa inyo. Madami pang mga bagay na inyong sinimulan ang mas napaunlad sa kasalukuyan. Nang dahil dito, makakapaghanda na kami para sa mga mangyayaring pagsubok sa hinaharap.
Lubusang nagpapasalamat,
Ryka.

Sunday, July 27, 2014
Pamana ng Sinaunang Panahon
Sa ating anahon ngayon, masasabi moderno na ngang talaga ang ating
mga kagamitan sa ating pang-araw araw na gawain. Tunay ngang 'high-tech'
na tayo ngayon sapagkat nauuso na ang mga kasangkapang moderno na ang
pagkakagamit.
Ngunit alam mo bang ang mga gamit ngayon tulad ng mga kagamitan sa kusina, mga barya, kwintas, sining, palamuti, paraan ng paglilibing at maging ang mga paniniwala ng iba't ibang tao tungkol sa relihiyon ay hindi sumibol nang basta na lamang tulad ngayon?
Ang lahat ng ito ay sinasabing sumibol noong panahon ng luma, gitna at bagong bato. Ang lahat ng ito noon ay simple lamang, at hindi mo pa masasabing 'high-tech' ang mga bagay.

Ang mga ito ay pamana ng nakaraan na patuloy na pinauunlad ng
kasalukuyan. Ang mga ginagamit natin sa araw-araw ay mga katibayan na
marami tayong namana noong unang panahon na pinayayabong natin ngayon.
Kung noon ay gumagamit pa ng matatalas na bato ang mga tao upang
makakain, ngayon ay nakabibili na sa mga tindahan. Kung noon ay gawa
lamang sa buto ng hayop ang mga palamuti sa katawan, ngayon ay uso na
ang mga bagay na gawa si ginto at dyamante. Kung noon ay cacao lamang
ang ginagamit bilang pambayad, ngayon ay mayroon nang mga barya at
perang papel.
At hindi lamang iyon, marami pang mga bagay at kultura ang sumibol noon na higit na umunlad ngayon. Masasabi natin na mas madali ang buhay ngayon kumpara noon. Pinapakita ng mga bagay na ito ang pagiging maparaan at malikhain ng mga tao noon hanggang ngayon. At ang mga pamanang ito ng nakaraan ay dapat lamang na ating pahalagahan at huwag sayangin.

Subscribe to:
Posts (Atom)