Sunday, July 27, 2014

Pamana ng Sinaunang Panahon

Sa ating anahon ngayon, masasabi moderno na ngang talaga ang ating mga kagamitan sa ating pang-araw araw na gawain. Tunay ngang 'high-tech' na tayo ngayon sapagkat nauuso na ang mga kasangkapang moderno na ang pagkakagamit.


Ngunit alam mo bang ang mga gamit ngayon tulad ng mga kagamitan sa kusina, mga barya, kwintas, sining, palamuti, paraan ng paglilibing at maging ang mga paniniwala ng iba't ibang tao tungkol sa relihiyon ay hindi sumibol nang basta na lamang tulad ngayon?  


Ang lahat ng ito ay sinasabing sumibol noong panahon ng luma, gitna at bagong bato. Ang lahat ng ito noon ay simple lamang, at hindi mo pa masasabing 'high-tech' ang mga bagay.


Ang mga ito ay pamana ng nakaraan na patuloy na pinauunlad ng kasalukuyan. Ang mga ginagamit natin sa araw-araw ay mga katibayan na marami tayong namana noong unang panahon na pinayayabong natin ngayon. Kung noon ay gumagamit pa ng matatalas na bato ang mga tao upang makakain, ngayon ay nakabibili na sa mga tindahan. Kung noon ay gawa lamang sa buto ng hayop ang mga palamuti sa katawan, ngayon ay uso na ang mga bagay na gawa si ginto at dyamante. Kung noon ay cacao lamang ang ginagamit bilang pambayad, ngayon ay mayroon nang mga barya at perang papel.


At hindi lamang iyon, marami pang mga bagay at kultura ang sumibol noon na higit na umunlad ngayon. Masasabi natin na mas madali ang buhay ngayon kumpara noon. Pinapakita ng mga bagay na ito ang pagiging maparaan at malikhain ng mga tao noon hanggang ngayon. At ang mga pamanang ito ng nakaraan ay dapat lamang na ating pahalagahan at huwag sayangin.